Pahayag ng DHS sa Kaligtasan at Pagpapatupad sa Panahon ng Bagyong Ian
Ang Department of Homeland Security (DHS) ay nakikipagtulungan kasama ang mga pederal, estado, lokal, at hindi taga-gobyerno na mga kasosyo nito upang suportahan ang mga pangangailangan ng mga lugar na maaaring maapektuhan ng Bagyong Ian. Dahil sa mga sitwasyong ito, ang U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) at U.S. Customs and Border Protection (CBP) ay nagpapaalala sa publiko na ang mga sites na nagbibigay ng emerhensiya na pagtugon at tulong ay itinuturing na mga protektadong lugar. Hangga't maaari, ang ICE at CBP ay hindi nagsasagawa ng mga aktibidad sa pagpapatupad ng imigrasyon sa mga protektadong lugar tulad ng mga ruta ng paglikas, mga lugar na ginagamit para sa tirahan o pamamahagi ng mga pang-emerhensiya na supply, pagkain o tubig, o mga lugar ng pagpaparehistro para sa tulong na may kaugnayan sa kalamidad o muling pagsasama-sama. ng mga pamilya at mga mahal sa buhay.