U.S. flag

An official website of the United States government

Government Website

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Safely connect using HTTPS

Secure .gov websites use HTTPS
A lock () or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Breadcrumb

  1. Home
  2. News
  3. Press Releases
  4. Pahayag ng DHS sa Kaligtasan at Pagpapatupad sa Panahon ng Hurricane Hilary

Pahayag ng DHS sa Kaligtasan at Pagpapatupad sa Panahon ng Hurricane Hilary

Petsa ng Pagpapalabas: Agosto 19, 2023

Ang Department of Homeland Security (DHS) ay nakikipagtulungan kasama ang pederal, estado, lokal, at di-gobyernong mga kapartner nito upang suportahan ang mga pangangailangan ng mga lugar na maaaring maapektuhan ng Hurricane Hilary.

Dahil sa mga sirkumstansyang ito, ang U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) at ang U.S. Customs and Border Protection (CBP) ay nagpapaalala sa publiko na ang mga lugar na nagbibigay ng emerhensiyang pagtugon at tulong ay itinuturing na mga protektadong lugar. Hangga't maaari, ang ICE at CBP ay hindi nagsasagawa ng mga aktibidad sa pagpapatupad ng imigrasyon sa mga protektadong lugar tulad ng mga ruta ng paglikas, mga lugar na ginagamit para sa tirahan o pamamahagi ng mga pangemerhensiyang supply, pagkain o tubig, o mga lugar ng pagpaparehistro para sa tulong na may kaugnayan-sa-kalamidad o muling pagsasama-sama. ng mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa kahilingan ng FEMA o mga awtoridad ng lokal at estado, ang ICE at CBP ay maaaring tumulong sa pagsasagawa ng paghahanap at pagsagip, air traffic de-confliction at mga misyon sa kaligtasan ng publiko. Ang ICE at CBP ay nagbibigay ng emerhensiyang tulong sa mga indibidwal anuman ang kanilang katayuan sa imigrasyon. Ang mga opisyal ng DHS ay hindi at hindi magpapanggap bilang mga indibidwal na nagbibigay ng impormasyong nauugnay sa emerhensiya bilang bahagi ng anumang mga aktibidad sa pagpapatupad.

Ang DHS ay nakatuon sa pagtiyak na ang bawat indibidwal na naghahanap ng tirahan, tulong, o iba pang tulong bilang resulta ng Hurricane Hilary ay magagawa ito anuman ang kanilang katayuan sa imigrasyon. Isinasagawa ng DHS ang misyon nito nang walang diskriminasyon batay sa lahi, relihiyon, kasarian, oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian, bansang pinagmulan, etnisidad, kapansanan o mga samahang pampulitika, at alinsunod sa batas at patakaran.

Para sa impormasyon tungkol sa paghahain ng reklamo sa Opisina ng DHS para sa mga Karapatang Sibil at sa Kalayaang Sibil tungkol sa mga bagay na ito, paki bisita ang https://www/dhs.gov/file-civil-rights-complaint.

Last Updated: 08/23/2023
Was this page helpful?
This page was not helpful because the content